Bakit nga ba laging may kasamang sakit ang pagmamahal?
Bakit kailangang masaktan sa tuwing umiibig tayo?
At kung sa dulo'y luha rin lang ang kapalit, bakit pa tayo nagmamahal?
Mas masakit pa yata 'yung katotohanan na kung sino pa ang mahal mo, siya pa 'yung hindi mo maaaring makasama.
Kahit anong pilit, kahit gaano mo pa siya kamahal-hindi talaga pwede.
"Ilang beses ko nang tinanong 'yan sa sarili ko. Paulit-ulit.
Pero kahit ilang gabi na akong gising, wala pa rin akong sagot.
Ang alam ko lang-nasaktan ako. Sobra.
Kaya pinili kong lumayo. Akala ko, kapag malayo ako, mas madaling kalimutan.
Siya. Kami. Lahat. Pero tama ba talaga 'yon?"
Paano kung pagbalik mo, pareho pa rin ang lahat?
Paano kung hindi nagbago ang sakit... ang alaala... at ang damdamin?
At paano kung, sa kabila ng lahat, siya pa rin ang dahilan ng bawat tibok ng puso mo?
Ito ang kwento ng isang pag-ibig na pilit kinalimutan, pero kailanma'y hindi nawala. Ito ang kwento nina Grace at Gabriella.
Pagmamahal na bawal, pagmamahal na hindi na panindigan. Masakit. Totoo.
On going. . .
Seluruh Hak Cipta Dilindungi Undang-Undang