---------
Sabi nga ni Harry, "This is overly romantic to be true." Tama ngang napakagandang kwento ng pag-ibig nila ni Drew na parang isang panaginip...
Parang ang hirap paniwalaan na pwedeng mangyari ito sa totoong buhay...
Nabubuhay tayo sa mundong natural sa mga tao ang magbigay-puna sa kung anomang nangyayari sa paligid nila. Kapag may nakita silang hindi nakasanayan, magbibigay kaagad sila ng kanilang komento, na kadalasan ay masama.
'That defies the norm.'
'That opposes the law.'
Totoo ngang may nakasanayan tayong mahirap baliin. May mga batas tayong dapat sundin.
Pero paano kung ang paghihiwalay mo sa kultura ng 'tamang' pakikipagrelasyon ay ang tanging makapagpapasaya sa'yo? Paano kung ito ang magbibigay sa'yo ng kalayaan para makilala mo pa ang totoo mong kagustuhan sa buhay?
Tol, may sariling batas ang pag-ibig. Hindi nito hinahadlangan ang mga tao. Wala itong binibigay na kasanayan na dapat sundin. Hindi nito pinipigilan ang puso na magmahal, kahit sa kapareho mong kasarian. Ang mahalagang batas lang, 'Magmahal ka ng ganap at lubos. Walang takda at walang kundisyon.'
Malay nyo, makatagpo din kayo ng 'Drew' na wagas kung magmahal o kaya naman isang 'Harry' na aalagaan ang puso mo...
Malay nyo, may isang taong bigla na lang lalapit sa inyo at aalukin kayo ng isang mainit at matamis na kape...
Malay nyo, kayo na pala ang susunod na paglalaanan ni Eros ng kanyang 'pana at palaso ng pag-ibig.'
'Don't surrender 'cause you can win, in this thing called 'Love.'
Magtiwala lang tayo. Walang imposible pagdating sa pag-ibig.
May isang babaing taga lupa ang napili ng tadhana bilang Holy Princess. Tadhanang magdadala sa kanya sa isang napakalaking misyon. Ang hanapin ang nawawalang Legendary Princess.
Isang prinsesang nawala dahil sa hindi maipaliwanag na digmaan sa mundo ng mahika. Ang prinsesang naipadala sa ibang dimensyon at hanggang ngayon, hindi parin matukoy kung saan napadpad.
Mahanap pa kaya ng nakatakda ang matagal ng hinahanap na prinsesa? O hahantong na lang ba sa wala ang matagal ng inaasam na kapayapaan?
****
Isang itong fiction story kaya lahat nang mababasa mo ay pawang hakahaka lamang.
Magenjoy sana kayo sa pagbabasa.
dont forget to leave a comment and to vote. tnx
(c) All Rights Reserve
2014