Limang henerasyon ang nakalipas simula nang ipagbawal ang mga manlalakbay.
Simula nito nagkaroon ng dalawang panig na hanggang sa ngayon ay patuloy na nag babanggaan. Ito ang Unyon ng Hukbong Militar ng Mundo at ang mga Grupo ng Manlalakbay. Ipinagbawal ang mga manlalakbay sa kadahilanang may isang manlalakbay na di umano'y nakita niya ang Buong Alamat. Simula din non na siya ay tinawag na Alamat ng mga Alamat. Kanya ring nakwento na ang Buong Alamat ay hindi niya nakuha sa kadahilanang may roong nag babantay sa Buong Alamat.
Hindi napigilan ng Unyon ng Hukbong Militar ng Mundo ang pag kalat ng kwento ng Alamat ng mga Alamat. Matapos mabalita sa buong mundo ang kwento patungkol sa Buong Alamat, maraming grupo ng mga manlalakbay ang muling naglakbay upang makita ang Buong Alamat.