Malamig na mga rehas. Apat na sulok. Malupit na mga kadena. Katahimikan at dilim. Pulang Kandelang nakabalot sa telang itim. Ang mga ito ang tanging kasama ni Kassiopia sa loob ng kulungan sa ilalim ng lupa kungsaan ginugol niya ang kanyang kabataan. Sa kanyang paglaya, isang misteryo ang kanyang natuklasan. Tuwing nagsisindi ang pulang candela sa liwanag ng buwan ay nagbabago ang kanyang kapaligiran. Ito'y nagiging isang magandang paraiso. May malawak na hardin, may palasyo, may lawa na napapaligiran ng samo't saring mga bulaklak na roon lamang niya nakikita. Ngunit sa paraisong iyon, iba ang kanyang anyo. Hindi siya tao kundi isang pulang bulaklak na walang amoy at nababalutan ng matutulis na mga tinik at sumisipsip ng dugo.