Gago ang mundo. Papatawanin ka para paiyakin. Paiinumin para magkaroon ng hangover. Papaibigin para basagin. Nakilala ko si Caroline. Gago rin ang trato ng mundo sa kanya. Gago rin siguro ako . . . kasi hindi niya ako kailangan kahit kailangan ko siya. Gago ba siya? Hindi. Maganda siya. Masyadong maganda si Caroline para maging gago. Maraming rason. Maubusan man ako ng salita - Malasing man tuwing madaling araw- Kakahintay sa kanya . . . kakahintay sa imposibleng dumating at magpakitang muli . . . Gagawan ko pa rin siya ng mga tula. Susubukan ko pa rin siyang abutin kahit wala na akong liwanag na makita . . . Kahit masyado siyang malalim at mailap para abutin. © 2019 (COMPLETED SHORT STORY by mysbreanna)Todos los derechos reservados