Hindi maganda ang nakilalang imahe ni Sienna bilang playgirl. At aware si Sienna doon. Wala siyang pakialam kung maya't maya man ay nagpapalit siya ng karelasyon. She hated commitment, ganoon kasimple. Kapag nagpipilit na ng commitment ang isang lalaki, nakikipaghiwalay siya agad. Pero ang tunay na dahilan ay si Cris--- ang lalaking tangi niyang minahal subalit iniwan siya at nagpakasal sa iba. Wala na siyang tiwala sa pag-ibig kaya hindi siya nagseseryoso sa isang relasyon. Pero pagkalipas ng maraming taon ay nakita niyang muli si Cris. Umahon ang galit niya rito ngunit kasabay din niyon ay ang pagkatanto niyang sa kabila ng lahat, si Cris pa rin ang kaisa-isang lalaking minamahal niya.
12 parts