Apat na babae. . Simpleng mga babae pero bakit sila napunta sa lugar na hindi nila inaakalang meron pala? Apat na lalaki. . Malalakas at hinahangan. . Susunod na tagapamahala ng kanilang nasasakupan. . Naburang kasaysayan. . Mga tribong binura ang pagkakakilanlan. . Ano ang magiging koneksiyon ng apat na babae sa apat na lalaki? Ano ang magiging parte nila sa bagong mundong kanilang napuntahan? Ano nga ba ang dahilan ng pagabura ng ibang tribo? Ano ang papel ng apat sa mga tribong ito? Ito po ay storya na binuo ng aking malikot na kaisipan. Storya na hindi ko alam kung saan nagsimula pero bigla na lang sumulpot. Storya po ito ng pantasiya, paglalakbay, pagkakakilanlan, pagkakaibigan, at pag - ibig. Sana po ay samahan niyo ako sa paglalakbay na ito. Hindi ako eksperto sa pagsusulat pero gagawin ko ang makakaya ko. -zjampanget