26 parts Complete MaturePara makasama si Eli sa mga kaibigan niya na makatour around Asia, kailangan niyang gawin ang assignment na ipinapagawa ng kanyang adoptive mom-- ang guluhin ang kasal ni Miguelito Jarell Capistrano. Hindi pa niya nakikita ang nabanggit na lalaki, pero sa pangalan pa lang, parang mabaho na ito. Ngunit hindi na importante kung ano ang hitsura nito, ang mahalaga ay mapaibig nya ito!
Dapat sa una nilang pagkikita ay nakadress siya, bagong ligo at humahalimuyak sa bango, maganda ang ngiti at napakasweet ng boses. Tingnan lang niya kung hindi ito maakit sa kanya.
Malas lang niya dahil kung kailan siya bad trip at pagod ay noon pa may guwapong lalaking dumating at nagpakilalang si Miguelito Jarell Capistrano! Kung anu-anong pagtataray pa naman ang nasabi niya.
Kailangan na yata niyang magpaalam sa pinakaaasam-asam niyang Asian tour....