Erica has fallen inlove with a man na akala niyang magbibigay sa kanya ng pagmamahal na matagal na niyang pinangarap at inasam. Kay Troy Sandoval. A mysterious guy na biglang dumating sa kanyang buhay at ginulo ito. Sa simula pinakitaan siya ni Troy ng mabuti. Niligawan siya nito, hindi nagtagal ay sinagot niya ito. Mabilis na nahulog ang loob niya sa lalaki kaya naman nagpakasal sila agad. Ngunit ilang buwan pa lamang ang lumipas ay nag iba ang trato nito sa kanya. Naging bastos ito at mapangahas sa kanya. Dahil ang totoong motibo ni Troy ay ipaghiganti ang kapatid na nasa ospital pa rin hanggang ngayon at hindi parin nagigising sa coma. Sobrang mahal ni Troy s Rix. Si Erica ang sinisisi nila sa trahedyang nangyari sa kanyang kapatid. Matagal ng manliligaw ni Erica si Rix at palagi din itong basted sa kanya kahit anong pagtataboy niya rito ay ayaw siyang tantanan ng binata. Ayaw sana niyang paasahin si Rix kasi wala talaga siyang feelings para dito at kaibigan lang ang turing nito sa kanya. Ngunit isang araw bigla na lang itong tumawag kay Erica at nagbabantang magpapakamatay ito kapag hindi siya nagpakita sa dito. Hindi alam ni Erica na magkapatid si Troy at Rix. Pumayag si Erica sa gusto nito kasi alam niya ang kayang gawin ni Rix. Sa kasamaan hindi nakarating si Erica sa lugar kung saan dapat sila magkikita ni Rix dahil sa isang insidenting nangyari. Isang insidente na magpapabago sa takbo ng kanilang mga buhay. Insidenting naging dahilan kung bakit dumaranas siya ngayon ng impyernong buhay sa Piling ni Troy. Tama bang inilihim ni Erica kay Troy ang insidenting yun? Paano kung sinabi niya kaagad sa kanila? Dadanasin pa kaya niya ang pagpapahirap na pinaparanas ni Troy sa kanya? O mas mamahalin siya ng tuluyan ni Troy kapag nalaman nito ang totoo?All Rights Reserved