Ang pagsulat ay ang pagsigaw ng mga salita na kamay lamang ang may kayang gumawa. Isa itong pagtatanghal at ang blankong papel ang magsisibling entablado habang marahang isinasayaw ng lapis ang mga titik na mapaglarong lumiliro't kumakalambitin sa dulo ng dila, Hindi makaalpas, kaya't sa liham nagwawakas. Pagkat ang manunulat ay salamangkerong Ikinukubli ang sikreto sa ilalim ng metapora, Ipinapahinga sa lilim ng mga letra, At banayad na inaawit sa PAPEL, TINTA AT TALINGHAGA.