"Alam mo nyo ba ung mahirap? Ung siya nakausad na pero ako, ako nandito parin. Naiwan. Kahit gaano man kasakit sakin ang nakikita siyang may kasamang iba. May kahawak kamay na iba. Ngumingiti sa iba, basta ba masaya siya okay na sakin e. Hindi ko kayang umusad dahil buong sistema at katauhan ko nabalot lang ng pagmamahal niya. Dahil sa isang taong nawala siya, hindi naman ako tumigil mag mahal sa kanya. Kuntento na akong nakikita siyang masaya sa piling nang iba. Diba pagmamahal naman to? One sided nga lang. Nagtataka nga ako eh. Dahil ibang puso na naman ang naka kabit sa katawan ko pero bakit parang wala man lang nagbago? Mahal parin siya ng puso ko. Hayaan nyo makakausad rin ako, Makaka ahon din ako sa sakit na ito. Kahit mahirap. Kahit masakit. Hihintayin ko lang na patayin ng sakit na to ang lahat ng pagmamahal ko sa kanya. At kapag nalamon na ng sakit, alam kong doon ako muling babangon" - Anika Yesha Cordova