Si Andrea Nicole Lorenzo ay isang nerd na babae na nagkakagusto sa isang playboy na si Tyrell Jade Velesterio. Naisipan niyang yayain ito sa isa sa mga pinakainaabangan niyang okasyon ngunit nasaktan lamang siya. Ginusto niyang magbago. Kinabukasan, nagulat ang lahat nang makita ang ayos niya. Halos lahat ng lalaki ay napapatitig sakanya, maliban kay Tyrell. Hahayaan niya lang ba ang nararamdaman niya? O susubukan niyang kalimutan ito dahil alam niyang wala na siyang pag asa? Magkakagusto kaya si Tyrell sa panibagong Andrea?