Magmula nang pumanaw ang ina ni Persi ay siya na ang bumuhay sa kaniyang sarili. Natuto siyang tumayo sa kaniyang sariling mga paa, bitbit ang pangarap nilang mag-ina. Pumapasok sa iskwela sa umaga, rumaraket sa gabi. Hindi na niya iniisip ang ibang bagay lalo na ang kaniyang 'lovelife', itinatak na niya sa sarili na sa pag-aaral at karera nalang niya itutuon ang atensyon. Ngunit sadyang mapaglaro si kupido at siya ang napagdiskitahan, may magagawa nga ba siya gayong siya'y isang babaeng marupok lamang?All Rights Reserved