Alam ni Solana na kapag tumuntong siya sa edad na 25 ay may arranged marriage na naghihintay sa kanya, tulad ng kanyang kapatid. Hindi naman siya nagreklamo tungkol doon, dahil alam niyang ganoon talaga ang takbo ng negosyo, ine-enjoy lang niya ang ilang taon bilang mag-isa at sa pag wawaldas ng pera sa mga bagay na gusto pero ng malaman niyang napaaga ang arranged marriage sa edad na 23 ay iniwan niya ang puder ng kanyang mga magulang. Isang buwan din siyang hindi nagparamdam pero isang araw bumisita ang ate niya sa kinaroroonan niya. Sinabi niya sa kanya ang tungkol sa kalagayan ng kanilang Tatay. Walang ibang pagpipilian si Solana kundi alamin ito. Tinanggap niya ang kasal ngunit may plano siya tungkol dito. Tatanggapin pa ba niya ang kasal kung alam niya ang sikreto ng lalaking nakipagkasundo sa kanya? BCD | roosseeey