Nakikinig sa Iyong tinig na nagbibilang,naiilang kung lalapit ba ako sayo pagka't nahihibang kung itatago ko lang ba ito ay may makikitang ikaw pagkabilang ko ng sampu o hanggang ilan. ISA-Salin ko ang mga letra ng DALAWANG Salitang nagsasabing mahal kita TATLO Mang hakbang mo papalayo ay APAT Na hakbang papalapit sayo para yakapin ka LIMA Ang pandama na nagsasabing ang pang ANIM Ay pag-amin na PITO Numirong pangpasuwerte sayo,baka sakaling maging walang katapusan ang simbolo kapag pinilit mo ang WALO,SIYAM Ang buhay ko pero kahit SAMPUNG Beses man akong mamatay lahat ng buhay ay iaalay ko parin sayo. Tayo ay mga tao na po Ama ni kupido itinadhana't pinagtagpo pagkabilang ng sampu ay magkikita sa oras at lugar na ito. Tama! Tama na ang bilangan pagka't pagkatapos ng ilang taon nating pagtatagu-Taguan ay ngayon nakita na kita dito dahil Sinta ang tagal! tagal! tagal na pala nating nagtatago sa puso ng isat-isa. MONTH OF DECEMBER RANK! Teen Fiction- Top 994 TADHANA- Top 760 Teen talk- Top 80
20 parts