HINDI in-expect ni Yara na mauunsiyami at mauuwi na naman sa wala ang love life niya kaya nagpakalasing siya. Matanda na siya para maloko pa-or mas tamang sabihing ginusto niyang magpaloko? Hindi naging madali ang lahat. Pero para sa isang Darius na handang bumawi sa kasalanang hindi naman talaga gustong gawin lalo na sa isang babaeng katulad ni Yara, he'll do whatever it takes para lang makabawi sa kasalanang ginawa. Kahit pa magsanib puwersa ang half-brother niya at ang Mama niyang dahilan kung bakit niya nagawang magpanggap in the first place.