Ang mga kwento na aking itatampok ay mula sa aking malikhaing imahinasyon at takbo ng aking isipan. Kaya sa bawat kwento ay naglalaman ito ng misteryo, pantasya at may makatotohanang pangyayari na hindi niyo inaasahan. Ang mga unang kwento na aming ibabahagi sa inyoa ay: HIBLA Tungkol ito mula sa isang isinumpang babae simula noong bata pa ito. Sinasabi na kung sinuman ang magtangka na galawin o putulin ang kanyang buhok ay mamamatay. Ilinagay siya sa isang liblib na kagubatan kung saan wala siyang mapipinsalang mga tao dahil ang turing sa kanya ng mga tao sa bayan ay isang halimaw. Ano kaya ang kwento ng kanyang buhok? KASTILYO May mga foreign tourist ang minsang bumisita sa sinasabing kastilyo na sinasabing tirahan ng mga engkanto. Dati itong lumang kaharian at halos sa mga lahing engkanto ay namatay na dito kaya naman ay patuloy pa rin nilang pinaninirahan ang lugar na ito. Gusto mo bang tumuloy sa tourist pot na ito? DEBOSYON Tuwing Abril marami ang debotante ng kanilang santa na sinasabi diyosa ng kanilang bayan. Subalit sa likod ng debosyon na ito ay mayroong nakatatagong lihim ang santo na ito na sadyang naglagay sa mga debotante ng matinding kapahamakan.All Rights Reserved
1 part