<highest rank: #2 in horror>
"Nakapag-rent ka na ba sa isang boarding house? Kung oo, parehas pala tayo. Kaso hindi ko alam kung parehas tayo ng feeling. Iba ang pakiramdam pag andun ka sa kwarto ko. May roommate ako, hindi nagpapakita, pero nagpaparamdam. Hindi mo mahahawakan, pero maririnig mo. Hindi siya nawawala, lagi siyang nandyan, minsan nasa tabi ko minsan nasa taas ng kama ko, tumatambay rin siya sa panaginip ko.
Sinubukan kong tumakbo, pero hinabol niya ako. Lumalayo ako, pero sinusundan niya ako. Wala akong magawa. Natatakot ako sa kanya, pero mas naaawa ako para sa kanya. Gusto mong malaman kung bakit? Basahin mo 'to." -Candace
Tuwing sasapit ang araw ng mga patay, nakasanayan na nating mga Pilipino na pumunta sa simenteryo para dalawin ang mga mahal natin sa buhay na namayapa na. May mga tao namang mas pinipili nilang doon matulog kasama ang pamilya nila dahil doon na lang din minsan na nagkakasama ng buo.
Pero kami ng mga kaibigan ko ay iba ang gusto dahil mas gusto naming pumunta sa mga abandonadong establishments or mga bahay para mag-ghost hunting. Nakasanayan na rin namin na ganun ang ginagawa at magkakasama kapag araw ng mga patay
Dahil nga sa trip namin sa buhay, hindi namin alam na yun ang magdadala sa amin hanggang sa kamatayan.