36 parts Complete MatureMatured Content SSPG Read at your own risk.
Keanna Zobelle was born into a wealthy and influential family. She is the only daughter of Kean Patrick Zobelle and Catherine Zobelle, owners of some of the country's most prominent malls and hotels.
Likas siyang spoiled brat noong bata pa siya. Matagal siyang hinangad ng kanyang mga magulang kaya nang dumating siya, ibinigay nila lahat ng gusto niya. Pero habang lumalaki si Keanna, unti-unting nagbago ang mga hilig at pangarap niya. Sa halip na pamahalaan ang negosyo ng pamilya, mas pinili niyang maging alagad ng batas.
Yes-she is a P03 Police Officer.
Dahil dito, ginawa ng kanyang mga magulang ang lahat para maitago ang katotohanang isa siyang anak ng bilyonaryo. Tanging ang malalapit na kaibigan lang niya ang may alam ng totoong pagkakakilanlan ni Keanna.
Habang nasa isang misyon, nakilala niya ang binatang si Tristan-isang taong sanay sa iba't ibang raket, basta't may kita, papasukin niya. Dahil panganay sa anim na magkakapatid, siya ang inaasahan ng pamilya. Wala na silang ama at ang kanilang ina ay may malubhang sakit, kaya't siya ang tumatayong haligi ng tahanan.
Nagustuhan agad ni Tristan ang matapang at diretso-sa-trabahong pulis na si Keanna. Kaya naman ginawa niya ang lahat upang mapansin at sagutin siya nito.
Pero paano kung isang araw ay mabunyag kay Tristan ang tunay na pagkatao ni Keanna?
Mananaig ba ang pag-ibig...
o mas mauuna ang kanyang ego, takot, at panliliit sa sarili?