La Venizto: Alas Dose na Sinta
Sa pagpasok ni Pendor sa lagusan, saklaw ng mundo ang guhit sa pinta na tumutugon sa sinaunang panahon. Batid dito ang mga maginoong sangkalalakihan na kasalungat ni Pendor na basag-ulo, walang sinasanto, mapanakit at bastos.
Mula sa sinaunang panahong pinasok ni Pendor ay babaguhin siya ng pagkakataon nang makilala ang binibining magpapahinto ng katarantaduhan niya. Si Binibing Estella na animo'y dyosa sa kagandahan higit pa roon ay habulin siya ng mga manliligaw sa bayang Venizto na nababalot ng misteryusong sekreto.
Ginoong mula sa kasalukuyan at Binibining mula sa nakaraan ang ipaglalaban ang walang hangganang pagmamahalan sa bayang isinumpa ng kadiliman.
Handa ka na bang iguhit ang pag-ibig na iyong inaasam?
#12 - 19thCentury (September 12, 2020)
#24 - Philippine History (September 19, 2020)
#74 - Historical Fiction (September 13, 2020)
#72 - Time Travel (September 13, 2020)
#64 - History (September 14, 2020)
Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay?
***
Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan?
Cover Design by Louise De Ramos