Kung bibigyan ng pagkakataon, gusto kong makita ulit ang isang tao mula sa nakaraan. Pero ang makakilala ng isang nanggaling sa panahong hindi pa nagaganap at hindi ko alam kung maaabutan ko, hindi ko alam kung mabuti o hindi. Dahil may kaakibat na responsibilidad ang malaman ang mga bagay na hindi pa dapat. May mga mapapagtanto... Na may mga hangganan at wakas. Pero mayro'n pa ring pag-asa at simula.