Sino ba ang mag aakala na sa panahong ngayon mga babae pang handang magtiis at maging martyr?
Isang babaeng sinubukan umibig ngunit ilang beses ding nasaktan. Ilang beses lumuha, ilang beses ng patawad at nag mahal. Ngunit pauli ulit parin talaga siyang nasasaktan.
Pero makakayanan ba nya kung bumalik ang isang taong unang naging rason ng kanyang pagluha? Unang rason kung bakit siya umaasa na may magmamahal din sa kanya, yung taong mamahalin din siya pabalik. Anong gagawin nya kung ang taong yun, na matagal nyang kinalimutan, matagal nyang iniwaksi sa buhay nya ay babalik para mahalin siya?
Mahalin siya, na matagal nyang inaasam noong una pero ngayon kabaliktaran na?
Nagbago ang lahat ng biglang nagbalik ang aalala ng isang babae sa isa sa kanyang past life.
Paano niya haharapin ang isang pagkatao na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na nagmamahal sa isang tao mula sa nakaraan. Nakaraan bilang
isang lalaki na ngayon ay muling nagbalik bilang isang babae.
Paano kung ang babaeng minahal niya sa nakaraan ay muling nagbalik din?
Paano kung ang taong yon ay muli... isang babae?
Makakaya niya kayang tanggapin ang lahat na muli ay susubok sa kanyang pagkatao?
Sundan ang kumplikado ngunit matamis na buhay ni Ryona kasama ang kanyang mga bagong kaibigan.