May isang babae na tuluyang pinasok ang pintuan patungo sa lugar ng kanyang haraya. Ang lugar na imposibleng maging totoo dahil ito'y malayo na sa katotohanan, at tahimik na lugar ang kanyang inaasam-asam. Ito'y isang lugar na tanging kaalwanan lang ang kayang maibigay sayo at walang makakapantay sa lugar na ito na kung saan malaya kang gawin ang gusto mo at walang taong manghuhusga sayo. Isang lugar na mapayapa, at tahimik na lugar ngunit puno ng kagalakan. Palagi niya sinasabi sa sarili niya na "sana nabuhay nalang ako sa mundong ito" gusto niya ikulong ang sarili niya sa pintuang ito dahil wala siya dapat ipangamba. Ngunit kailangan niyang lisanin ang mundong ito at harapin ang hagupit at hindi patas sa totoong mundo.