Busyng-busy ang life ni Maureen Grace (Mau) Atillo. Mas lalong nabadtrip siya nang ang pinakabago nilang katulong ay saksakan ng pagkapasaway, kaya need na need ang bagong katulong. Enter Lance (Lyza), ang bading na katulong na tila siya na ang solusyon sa lahat ng domestic problems ng mga Atillo. Masu-solve din kaya niya ang mga love problems ni Mau?