33 parts Ongoing Jack at Bean magkapatid, mahirap, at parehong
nagtrtrabaho bilang construction worker. Sanay sa alikabok, semento, at pawis. Pero isang araw habang naghuhukay sa ilalim ng gusali, may natagpuan silang isang lumang libro... kakaiba, madumi, at tila may itinatagong lihim.
Dahil sa kuryosidad, itinago nila ito.
Pero nang buksan nila kinagabihan... hinigop sila papasok sa mismong loob ng aklat.
Doon, sa isang mahiwagang mundo, nakilala nila ang apat na duwende- Nini, Bonbon, Dexter, at Jun.
Binigyan sila ng kapangyarihan at isang misyon:
Hanapin ang anim na nawawalang libro para makalaya ang mga duwende... at baka, maging tao rin sila.
Pero sa likod ng kagandahan ng mundong iyon, nagtatago ang isang kasamaan na handang wasakin ang lahat.
Magtatagumpay ba sina Jack at Bean?
O tuluyan nang lulubog ang mundo sa dilim?