I Love You, Accidentally.
17 parts Ongoing Isang dalaga ang nagtago mula sa kanyang pinagkakautangan at napadpad sa isang morgue. Doon, nakakita siya ng isang lalaking tila anghel ang anyo-maputi, maamo, at tahimik na nakahiga. Nadala siya ng tukso, kaya't hinagkan niya ang mga labi nito. Ngunit halos lumuwa ang kanyang mga mata nang biglang gumalaw ang lalaki at tumugon sa kanyang halik.
"Ang patay, bumangon!" Patay nga ba?
---
Paano kung ang lalaking aksidente mong nakilala sa isang morgue ang siya palang magiging dahilan ng iyong pag-ibig?
At paano kung matuklasan mong ang minamahal mong ito ay siya rin palang taong dapat mong kamuhian? Magpapatuloy pa kaya ang pagmamahal mo, o pipiliin mo na lang na sumuko at kalimutan ang lahat?
Tuklasin ang nakakatuwa't nakalulungkot na kuwento nina Pat at Nates.