Marami ang mga nagsasabi na ang mga nangyayari at mangyayari sa buhay natin ay sadya na talagang nakatadhana. May mga nagsasabi ding tayo mismo ang gumagawa ng sarili nating tadhana. Paano kung mula sa ordinaryo mong buhay, isang araw malaman mong ikaw ay hindi lamang ordinaryong tao dahil ikaw ang nakatadhanang magligtas sa mundong kelan man ay hindi mo pa naririnig o napupuntahan. At kung kelan handa ka nang gawin ang nakatadhana para sa iyo saka mo naman malalaman na ang mundong handa mo nang iligtas ay sya palang nagtakwil sa inyo at naging dahilan upang mawalay ka sa tunay mong mga magulang. Ano ang gagawin mo? Sundin ang nakatadhana o kamuhian at paghigantihan ang mundong nakatadhana mong iligtas? Sundan ang pakikipagsapalaran nang ating bida na nagngangalang Xyrill Skylah. At ating alamin kung anong desisyon ang pinili nya.
18 parts