Isang boyish na babae si Yesha Dhel Gonzales at lihim na humahanga sa isang vlogger na si Dylan Josh Fernandez. Upang makita at mapansin ng iniidolo gumawa siya ng paraan para mapalapit dito. Nakapasok siya sa boutique na pag-aari ni Dylan bilang isang taga-bantay. Sa pagtatagpo ng kanilang landas at pananatili niya doon napansin niyang lagi siyang iniiwasan nito. Nang mag-laon na nalaman niyang ayaw nito sa mga babaeng siga kung pumorma. Expectations vs Reality ika-nga dahil sa pagta-trabaho niya doon marami siyang nalaman tungkol dito. Isa na doon ang pagiging babaero nito. Marami na itong babaeng pina-iyak at ayaw niyang maging isa siya sa mga babaeng nawasak ang puso ng dahil dito. Ngunit paano kung dumating ang oras na ma-fall siya sa taglay na karisma nito? Ano ang gagawin niya? Hahayaan ba niyang mapabilang sa mga babaeng sinaktan nito? O di kaya ay umalis at iwasan nalang ito habang may pagkakataon pa?