Hanny, matalino, mabait, loka-loka at walang pake sa itsura niya. Mataas ang kanyang self esteem at wala siyang pake kung ayaw sa kanya ng mga taong nasa paligid niya. Isa lang naman kasi ang mahalaga sa kanya. Ang maabot ang pangarap niyang makapunta sa korea at ma-aabot niya lang yun kapag siya ang valedictorian.
Yohan, gwapo, matalino, masungit, mayaman, anti-social at higit sa lahat OCD- obsessive compulsive disorder also called neat freak. Hindi nagpapatalo kahit saan pang sitwasyon. Obsessed sa challenges at manalo sa mga ito.
Ano kaya ang kahihinatnan ng pagtatagpo nilang dalawa. Alamin sa mga susunod na kabanata.