Lahat na yata ng pasakit sa buhay, nasalo ni Yana. Ginago ng boyfriend, nawalan ng ganang mag-pinta, bumaba ang mga grado, at higit sa lahat, halos mawalan ng pinakamatalik na kaibigan. Her life is literally a series of unfortunate events. Hindi niya alam kung saan na siya pupulutin, lalo na dahil hindi na siya pwedeng tumira sa apartment nila ng kaibigan niya. Pero pagkatapos ng lahat ng malas ay nakakuha siya ng jackpot. Nakahanap siya ng bagong mauupahan at tamang-tama ito para sa kanya. May dalawang kwarto, malaking sala, at magandang kusina... sa picture. Sa murang halaga ng upa ay mapapamura rin siya sa totoo nitong hitsura, at sa hitsura ng nagpapa-upa. Ang kaso, hindi na siya makaatras dahil nakapirma na siya sa kontrata... na pang-isang taon. So, she just have to endure it until the year ends. If she still wishes to leave, that is.