Description:
Isang babaeng wattpad addict. Yan si Saydie Elizalde. Masungit, mataray, suplada, maldita. Yan ang magiging first impression mo pag nakita mo siya. Totoo namang may pagka-maldita sya, palaban kasi eh, pero mabait din naman talaga siya at loka-loka. Haha. Dahil sa kaadikan niya sa wattpad, kahit san siya mapunta, parating gwapo ang hanap niya. BH ang hobby nilang magkakaibigan. Alam nyo ba ang meaning nun?
BOY HUNTING
At ang tawag sa kanila?
BOY HUNTER
Ikaw ba yung tipo ng babaeng kahit saan pumunta, gwapo ang hanap?
Yung tipong gustong-gusto mong makakita ng gwapo.
For what reason?!
Wala lang. Sa sobrang kaadikan mo sa wattpad, baka sakaling ma-experience mo rin ung tulad ng sa mga nababasa mo.
Eh, ano bang ginagawa mo 'pag nakakakita ka ng gwapo? Ikaw ba yung tipo ng babae na:
a.) Ngingitian ung gwapo ng pagkatamis tamis at todo kung magpapansin.
b.) Lalapitan at magpapakilala (kung meron mang ganito kakapal ang mukha?!)
c.) Tititigan sya tapos 'pag napatingin sayo, iiwas ka agad ng tingin.
d.) Tititigan siya tapos pag napatingin siya sayo, makikipagtitigan ka lang.
e.) Magpapanggap na hindi mo alam na may gwapong malapit sayo pero deep inside gustong- gusto mo na siyang titigan.
So, ano ka sa itaas? Ako kasi si letter e. Pwede rin namang si c o kaya si d rin. Hoho
Anyway, let me start my story.
True Philippines Ghost Stories- Haunted Pilipinas Book 2
10 parts Complete
10 parts
Complete
Anong hiwaga ang nasa dako pa ruon? Bunga ng malikot na pag-iisip, hango sa balintataw, o halaw sa malikot na pag iisip. Masasabi mo bang totoo ang lahat ng iyong nakikita? Ikaw ba ay pinaglalaruan ng isang kisap mata? Di kayang maipaliwanag. Ngunit alam mong magaganap.
Sadyang maraming kaganapan sa ating mundong ginagalawan ang di kayang ipaliwanag ng siyensiya. Huwag mo ipag-walang bahala ang mga pangitaing kakaiba.
Ilan sa atin na bukas ang 3rd eye at me 6th sense at mas mapang- obserba, ay may kayang makatuklas sa mga kakaibang nahahagip ng sulok ng mga mata.
Ikaw. Oo ikaw nga. Subukan mong mag isa sa isang madilim na lugar, at pakiramdaman ang iyong kapaligiran. Katunayan, yung isa sa kanila. Nariyan sa tabi mo.
Malalaman at mararamdaman mo siya, hindi ka nag-iisa. Nariyan lang sila, nasa tabi mo, nakatitig sila sayo. Nagmamatyag at nag- aabang... Ano ang gagawin mo, kung bigla mo silang makita sa hindi mo inaasahang panahon? Kakayanin mo kaya? o habang buhay itong babalot sa yo ng katatakutan at sindak?
Real-life chilling tales of supernatural, paranormal & horror.
Read the stories and be terrified. Guaranteed na mumultuhin ka ngayong gabi. Gustuhin mo man o hindi.