"Bakit napakasaya mo?" "Ikaw, bakit ang laki ng galit mo sa mundo?" "Wala ka na dun." "Malamang, baka nandito ako." Huminto sya saglit, "Pinipilit kong maging masaya para sa ikasasaya ng iba. Baka hindi mo ako naiintindihan kasi wala ka sa kalagayan ko."