Ito'y walang pamagat, Para maiba naman ito sa lahat. Akin na itong simulan, Upang malaman niyo na ang laman. Ako'y minsan nang nagmahal, Ngunit kami'y di nagtagal. Nagising nalang ako bigla, Hindi na pala kami tulad ng simula. Bakit nagkaganito? Hindi mo na ba ko gusto?, Nagbago ba ako? Ikaw? O tayo? Bigla kang nag iba, Parang ako'y di mo na kilala. Ngunit,nagkamali ako. Akala ko'y ikaw napagod ng husto. Ayon naman pala ang dahilan, May iba nang napupusuan. Kahit ito'y masakit,wala na kong magagawa, Dahil ng makita kita,Ikaw ay tuwang-tuwa. Pero bakit ganito? Mahal mo ba ko ng totoo? Oh hindi nga lang ako naging sapat ng husto? Teka, sandali, Aking naalala, Bakit nga ba pa ko magtataka? Meron na plang 'kayo', At wala naman plang 'tayo'All Rights Reserved
1 part