Humans life is too short kaya dapat lagi mong isipin na ito na ang huling araw mo sa mundo. Kasi ang iniisip ko paano ba naman kung baka bukas mamatay na ako. Alam ko namang wala akong sakit at napalusog kong tao. Pero hindi kasi natin alam kung hanggang saan ang magiging buhay natin. Kaya sulitin mo na. So I choose whatever that makes me happy all the time. Kaya yun ang ginagawa ko ngayon kapag may nagustuhan akong isang lalaki sinasabi ko agad na hoy ikaw akin ka na ha o gusto kita o di kaya ay mahal kita. Pano kung sinabihan nga kita ng akin ka na Sasabihin mo ba na oo, sige sayo na ako. O pano kung sinabihan kita ng gusto kita ibabalik mo ba sakin yung pagkagusto ko sayo at iisasagot mo na gusto rin kita. At pano kung sinabihan kita ng mahal kita sasabihin mo rin ba na mahal din kita. Ang tanong kaya mo ba?