Duke Sebastian
  • Reads 96,299
  • Votes 1,995
  • Parts 16
  • Reads 96,299
  • Votes 1,995
  • Parts 16
Complete, First published Dec 18, 2019
"Remind me that you love me always"
Dinukot si Lara sa araw ng kanyang kasal. Lalo siyang nalito nang dalhin siya ng lalaking nagpakilalang Duke Sebastian sa Forbidden Island, isang malaparaisong isla. Itinago sa kanya ng guwapo ngunit antipatikong lalaki ang dahilan kung bakit siya dinala nito roon. Ang nakapagtataka, para sa isang abducted bride ay sinabi ni Duke na malaya siyang mamasyal sa isla at gawin ang gusto niya.
Unti-unti, napansin ni Lara ang magagandang katangian ni Duke. Ang malungkot na mga mata nitong tila may itinatagong lihim, ang mapupulang labi na tila kayang magpawala ng katinuan ng sino mang babaeng hahagkan nito. Suddenly, naalerto ang mga pandama niya. Maging ang tibok ng puso niya ay kumokontra sa sinasabi ng isip niya. At nang hagkan siya ni Duke at yakapin ay para bang noon lang siya nakadama ng tunay na pagmamahal.
Nang sa wakas ay matuklasan ni Lara na may kinalaman sa fiancé niya kung bakit siya dinukot ni Duke, noon din niya natuklasan na umiibig na siya sa lalaki. Totoo kaya ang pag-ibig na ipinadama ni Duke sa kanya, o bahagi lang iyon ng pinlano nitong paghihiganti?


This was published  in PHR, I quess okay lang naman kung share ko dito.
I remember, 'yong heroine dito  ang name ng dating workate ko na  adik sa PB
All Rights Reserved
Sign up to add Duke Sebastian to your library and receive updates
or
#134phr
Content Guidelines
You may also like
Unexpected Love (Complete) by nikkidelrosariophr
10 parts Complete
Kung mahal mo, dapat ay ipaglaban mo. Kapag sinabi sa'yong hindi ka mahal, puwedeng gawin mo ang lahat para maging pareho ang nararamdaman n'yo o sumuko ka na at mag-move on na lang. PEOPLE come and go. Iyon ang naitatak ni Lia sa utak niya. Para sa kanya, walang permanente sa mundo, lahat ay dumarating at umaalis sa buhay ng mga tao. Kaya nga wala siyang pakialam kahit na wala siyang madaming kaibigan, dahil naniniwala siyang dadating at dadating ang totoong kaibigan na hindi mangi-iwan sa kanya kahit na ano ang mangyari. Kaya nga sapat na sa kanya ang matalik niyang kaibigan. Until Omid Ahmadi came. Isa itong football player na kalilipat lang sa Pilipinas matapos ma-expire ang kontrata sa ibang bansa. Ginulo nito ang nananahimik na mundo niya. Pinilit niyang pigilan ang nararamdaman niya para sa binata kaya nga tinanggap niya ang pakikipag-kaibigang inaalok nito. Para may boundary ang kung ano man ang mayroon sila. Kaya lang ay na-in love naman siya dito. Sa unang pagkakataon ay ninais niya na huwag mawala sa buhay niya ang isang tao. Na huwag sana itong basta na lang dumating sa buhay niya para lang umalis sa huli. At sa unang pagkakataon ay lihim siyang nanalangin na sana... maawa ang Diyos sa kanya at magkaroon ng himala na mahalin din siya nito. Pero mukhang mailap yata talaga si Kupido sa kanya. Dahil ang kaisa-isang lalaking natutunan niyang mahalin ay may keychain na pala. Mukhang magiging forever alone na lang siya. Friendzoned tuloy ang drama niya! Magiging maligaya pa kaya siya o maku-kuntento na lang siyang maging kaibigan ang lalaking mahal niya?
You may also like
Slide 1 of 10
Car Wash Boys Series 5: Kevin Kyle Bandong cover
BESTFRIENDS' PLACE SERIES 1 - AGAIN cover
Unexpected Love (Complete) cover
THE PLATERO TRILOGY BOOK 3: ETERNITY REIGN (UNEDITED VERSION) cover
LEL 4: Rhiley Cross Morgan a.k.a. TIN [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR] cover
Midnight Blue Society Series 3 - POCHOLO aka CHOLO (COMPLETED) cover
Ain't No Other cover
A PERFECT MISTAKE(Completed) cover
The Cavaliers: JD cover
Once Upon An APEC (One-Shot Story) [COMPLETED] cover

Car Wash Boys Series 5: Kevin Kyle Bandong

10 parts Complete

"Nang malaman ko ang ibig sabihin ng salitang pag-ibig. Pangalan mo agad ang binulong ng puso ko." Teaser: Fairytales. Iyan ang pangalan ng business ni Marisse. She's a Wedding Planner. And she loves Weddings. Gaya ng ibang babae, nangangarap din siyang magsuot ng isang puting trahe de boda at ikasal sa lalaking pinakamamahal niya. Ngunit mananatili lang na isang pangarap iyon kung ang tinatangi ng puso niya ay tila hindi na niya maabot. Sa pagbalik ni Kevin sa Pilipinas. Nagkaroon sila ng pagkakataon na ipagpatuloy ang pagmamahalan nila. Ngunit ang sayang naramdaman niya ay panandalian lang pala. Nang isang araw ay tumambad sa kanya ang isang masaklap na balita, ikakasal na si Kevin. Handa na siyang tanggapin na kailan man ay hindi na mapapasakanya ito. Ngunit hiniling ni Susane na siya ang mag-ayos ng kasal nito at Kevin. Kahit magmu-mukhang suicide ang gagawin niya. Pikit-matang pumayag siya. Sa bawat na nakikita niya ang dalawa na magkasama, labis na sakit ang dulot niyon. Hanggang kailan ba niya kayang tiisin ang lahat? Na ang iniibig niya ay nakalaan sa iba. Siguro, mas makakabuti kung lumisan at magsimula ng panibagong buhay ng wala si Kevin sa buhay niya.