Klea Sebastian, huling taon na niya sa kolehiyo ngunit hanggang ngayon ay palihim pa rin niyang sinusulyapan ang babaeng may tsokolateng mga mata. Hindi dahil sa takot siya, kundi dahil sa maraming 'baka' na humahadlang para ipagpatuloy pa ang kanyang nararamdaman. Baka maging magulo pa ang lahat kapag naging malapit sila sa isa't isa. Baka saktan at ipahiya niya lang siya, gaya ng pagpapahiya niya sa mga manliligaw niya, at Baka mawala ang scholarship na tanging hawak niya para makapagtapos ng kolehiyo, kapag ipinagtapat niya ang tunay na kanyang nararamdaman para sa malditang si Stella Kisses Shaun. Stella Kisses Shaun, ang malditang bumihag sa puso ni Klea, 'snob' ayan ang unang impresyon ng mga tao sa kanya, lahat ilag sa kanya, dahil sino nga ba naman ang hindi matatakot sa isang 'spoiled brat' na wala ng ginawa kundi ang magmaldita at ipahiya ang lahat ng taong babanggain siya. Makuha kayang makapagtapat ni Klea kay Stella? Mapaamo niya kaya ang malditang may tsokolateng mga mata? Oh patuloy nalang niya itong susulyapan ng palihim. I Love You So Bad Sky_Blue