Si Evo ay isang normal student na medyo may pagka-nerd. May mga kaibigan siya pero madalas ay makikita mo siyang mag-isa. Gaya ng normal na estudyante ay nakakaranas din siya ng pambu-bully ng kapwa estudyante niya dahil sa kapayatan na taglay niya. Hindi naman siya yung sobrang payat pero hindi kasi tugma ang height at weight niya. Isa sa pinaka nambu-bully sa kaniya ay si Ran, ang sikat na babae sa kanilang campus. Ngunit kahit sikat ay hindi siya pinagtutuunan ng pansin ni Evo, bukod doon ay crush niya Evo kaya naisip niya na i-bully ito para mapansin siya. #SincerelyNona