At the rate of 1-10, 1 ang pinakamababa at 10 ang pinakamataas, gaano kasakit ang iyong nararamdaman? Bakit ka nasasaktan? Paano mo masasabing husto na at tama na, sapagkat hindi mo na kaya pang sabihing "Okay pa ako!".
Sa mundong ating ginagalawan, mayroon bang masakit? mas masakit? o pinakamasakit? Ano ba ang batayan kapag sinabi mong "Nasasaktan na ako!" Sa dami ng tao na nilikha, iba-iba ng paraan kung paano haharapin ang lahat ng pagsubok sa buhay, subalit hindi lahat parehas ng paraan kung paano ito lagpasan. Hindi maaaring husgahan ang isang taong umiiyak dahil nagasgasan, hindi dapat ingusan ang taong lumuluha dahil nasugatan. Magkakaiba ang tolerance sa pain ng bawat isa, pinaasa, napagsabihan, iniwan, nadapa, nahulog, nawalan materyal man na bagay o mahal sa buhay, nakalimutan, napagkaisahan, naloko, niloko, may sakit, napagsamantalahan, at nasaktan, lahat ng ito ay masakit!
Mapalad ang taong nakararamdam ng sakit, dahil may ibang kailanman ay hindi nasasaktan , manhid? may sakit? anuman ang dahilan, embrace the pain, you are just a human, but never underestimate the power you have. That is, being a HUMAN. Ang nilalang na angat sa lahat ng nilalang.
Sa puntong ito, walang karapatan ang iba na sabihing "Iyan lang, iniiyakan mo! Ako nga blah blah blah...!" Hindi paligsahan o pataasan ng level ng sakit, ng dahilan kung bakit nasasabing "Ang sakit sakit na!" , dahil kapag ang tao ay NASASAKTAN, walang higit o nakalalamang na kahit anong dahilan.