50 Bagian Lengkap "Pretend" , madalas sabihin ng iba na ang pagpapanggap ay ginagawa lang ng mga tao para makapanakit ng iba. Ngunit kung minsan paraan din ito para protektahan di lamang ang iyong katayuan, dignidad kundi pati na rin iyong iniingatan at taong ayaw mong masaktan. Nagmula sa mayamang pamilya si Mikee Jin Del Grande. Siya ay elegante , matalino at kagalang galang. Kasalukuyang nag-aaral sa isang pamosong unibersidad at ngayon ay nasa ikatlong taon na sa kolehiyo.
Bukod dito, magaling din syang tumugtog ng piano at magpinta kaya naman maraming guro at mga estudyante ang humahanga sa kanya. Ika nga pinagpala at pangarap ng lahat. May mga kaibigan naman siya, ang kaibahan nga lang niya sa mga ito ay tahimik, laging seryoso at mukhang maraming pinagdadaanan sa buhay. Overprotective ito pagdating sa nakababata niyang kapatid na si Cassy. Maganda, elegante ngunit spoiled brat ang kapatid niya kaya palagi syang nag-aalala dito. Sa di inaasahan, darating ang isang pangyayare na gigimbal sa buhay ng magkapatid. Sino kaya sa kanila ang gagamit ng salitang 'pretend'?
Mahahanap nga kaya ang totoong pagmamahal , kung puro kasinungalingan ang pinapakita ng karamihan?