Tria Monique Samonte, ang babaeng pinagkaitang makaranas ng kasiyahan sa pag-ibig. Palaging umiiyak at nasasaktan, kaya't ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi na siya muling iibig. Pero dumating ang isang Joe Cameron, ang lalaking ubod ng kulit na nagpalusaw sa kanyang puso na puno ng hinanakit. Natagpuan niya na lang ang sarili niyang umiibig nang muli. "Paano ako kung wala ka?", ang linyang nabitawan niya sa huli.