Sa unang araw ng huling taon ni Isabel bilang estudyante ay sinalubong ito ng magkakahalong mga emosyon - kaba, takot, pananabik, lungkot, at saya. Kasama sina Harry at Ria, napagdesisyon niya na sulitin na ang bawat araw na natitira para sa kanila, ngunit ang mas maliliwanag na araw ay naghihintay pa lamang pala sa kanila - nang madagdagan pa sila ng isa sa barkada.
Bagamat huling taon na sa kolehiyo, sinisimulan pa lamang ni Gideon na hanapin ang sarili sa tinatahak na propesyon. Ngunit sa paghahanap ay natagpuan nito ang kanyang sarili na nakaupo sa isang kapehan, nanginginig sa kaba, sa isang umuulan na hapon.
Sina Isabel, Gideon, Harry, at Ria. Mga batang unting unting ninanakaw ng pagtanda. May malalaking mga pangarap, sari sariling pinaglalaban, at kanya kanyang mga kwento na dinadala.
Sa paghihintay na makalaya sa unibersidad, saan sila dadalhin ng mga kwento nila?
"Anak ng Hustisya: Hindi Lang Hustisya ang Nahanap Ko, Pati Siya"
19 parts Complete
19 parts
Complete
Limang taon matapos ang trahedyang bumago sa kanyang buhay, si Ally dating masayahing dalagita ay ngayo'y isang seryosong first-year college student sa kursong Bachelor of Laws. Buo ang loob niyang maging isang prosecutor, hindi lang para ipaglaban ang karapatan ng iba, kundi upang muling buksan ang kaso ng pagkamatay ng kanyang mga magulang.
Habang tinatahak niya ang landas patungo sa hustisya, makikilala niya si Maya-isang masayahing kaklase na magiging kaibigan niya sa gitna ng lungkot at pagbangon. At isang araw, sa hindi inaasahang pagkakataon, isang misteryosong binatang nagngangalang Tim ang biglang papasok sa buhay niya... matapos siyang saluhin mula sa pagkatumba-at sigalot.
Simula ito ng bangayan, asaran, at unti-unting pagtibay ng ugnayan sa pagitan ng dalawang pusong may sariling mga sugat at layunin.
Makakamit kaya ni Ally ang hustisyang matagal na niyang hinahangad? At sa gitna ng paghahanap ng katotohanan, posibleng matuklasan din niya ang pagmamahal?