Perfect (C O M P L E T E D)
13 Bagian Lengkap DewasaAng story na to ay nagpapakita ng buhay ng ibang kapatid nating nasa LGBT community. More on family issue sya kaysa love story. Kung gusto nyong maintindihan ang ibang nasa LGBT community, i suggest na basahin nyo to baka sakaling maintindihan nyo kami. Hindi ko sinasabing lahat kayo na babasa nito ay maiintindihan kami, alam naman nating meron pa ring iba na pilit isasara ang pag unawa nila para sa amin.
PROLOGUE:
Hey dad look at me, think back and talk to me, did i grow up according to plan ?
Isang kanta kung saan relate na relate ako, feeling ko ginawa ang kantang yun para sakin mismo.
Naranasan mo na bang kamuhian ng sarili mong pamilya dahil sa isa kang bakla / tomboy ? Ako oo, ang kaibahan lang ay si dad lang ang hindi tanggap kung ano ako. Suportado ako ni mommy... mali pala, suportado KAMI ni mommy, si kuya ko ay gay. May isa pa kaming kapatid, yung pangalawa ay babae naman. Tatlo kami at gustong gusto ni dad na magkaron ng lalaki para yun ang magmamana ng family company namin. Nagkaroon naman ng lalaki, panganay pa kaso yun nga lumihis ng landas. Si dad... Galit sya samin ni kuya, salot daw kami sa lipunan at kahihiyan sa pamilya. Naiintindihan ko naman sya pero syempre.. Masakit din para samin na marinig yung mga salitang yun na galing mismo sa sarili mong ama. Dapat diba sya pa unang tatanggap sa amin ? Hays... Simula pa lang ng story binanatan ko na agad ng malungkot na part.
Kamusta ? Ako nga pala si K at ito ang kwento ng buhay ko.....