Happy Huert's "Paris asan ba yung project ko?"tanong ko kay paris kanina pa kasi nawawala e ehh final requirement kasi yun ni mam Aplaca Diagram pa naman yun ng school namin "Baka sayo yung inilagay ni Damolag dun sa puno ng talisay?," "Damolag!!!!" Inis akong pumunta sa puno ng talisay at ayun nga nasa taas nga. Kailangan ko pang akyatin yung parang 2nd floor ang taas ng puno ng talisay na yun . Well si Damolag kasi yung Enemy ko sa amin sa campus namin. Halos e sumpa na nga namin yung isa't isa dahil para na kaming aso't pusa kunga mag away. Nakuha ko na sana yung diagram ko pero... "Tilyo!!!"dinig kong tawag dun sa isang classmate ni crush Ang wierd ng nickname nya diba Tilyo ehh Timothy Lance yung real name nya. Tapus Campus heartrob pa. Crush na crush ko talaga sya pero hindi nya ako na nonotice ehh yung tipong hanngang tingin lang talaga ako sa kanya. Sino ba naman kasi ako? Well ako lang Naman si Happy Huert Quilar ewan ko ba jan sa parents ko pinangalanan nila akong happy. At di lang yan may dalawa pa akong kapatid na si Monday at Si Lucky. Si Monday yung pangalawa namin habang si Lucky yung bunso. Ako naman panganay. Back to Tilyo Ano sya uhm crush ko sya simula pa noong G-7 palang ako.... pero parang may nililigawan na sya ngayon ehh ka m.u ba nya yun? Kaya wala na akong pag asa. Bababa na sana ako pero Tumingala pa si Tilyo at ngumiti sa akin. Eyshhh kinilig ako dun ahh. Pag step ko bigla nalang nadulas ang isang paa ko at nahulog ako sa puno ng talisay na 2nd floor ang taas... Kaya pag ka hulog ko ramdam kong may mainit na likido ang tumulo sa nuo ko at medjo nag blurd yung paningin ko. Nakita ko pa nga ang diagram ko na nabsag at tsaka ko nalang naramadaman na may bumuhat sa akin bago ako nawalan ng malay.... *** [Guys may bisaya ba na mga readers dito? -ZhangFang Fang]All Rights Reserved