"Nawawala ka ba?" Isang matangkad at mala-prinsipeng binata ang lumapit sa kanya. "Hindi. Iniwan ako ng Nanay ko dito sa simbahan.." Humihikbi niyang sagot. Sabi nito ay babalikan siya pero nakita niya itong tumatakbo palayo sa kanya. Nang hinabol niya ito ay hindi man lang siya nilingon. "Do you want to come with me?" She should've said no. She should've just ran away. "Marami kaming chocolates sa bahay." But she was already very hungry. He offered his hand. "Aampunin mo ko?" "Yes. You will be my sister."
36 parts