"Sorry, can't come for tonight. I'm with her, she's asking my presence to go with a dinner date. Babawi ako sayo for sure. Namimiss na kita sobra. "- Hindi ko maiwasan malungkot sa natanggap kong text mula sa kanya. Nanghihinang napaupo na lang ako sa kama at tiningnan ang damit na inihanda ko para sana sa dinner mamaya. "Kakainis. Namimis ko na rin siya. "- napabulong na lang ako sa hangin. Bakit kasi sa kanya pa ako nahulog? Sa tao pang hindi pwede at may sabit pa. Napatingin ako sa cellphone ko nang mag ring ito. Walang gana ko itong sinagot. "Hi"- napahiga ako nang marinig ko ang malamyos na boses nito. Napakalambing. "Hey, are you still there? "- she asking again maybe because I stay still silent. "Lauren naman... I just forgot that I had promised her to take on a date, ngayon pala iyon. "- "It's okay. "- pagbabaliwala ko sa sinabi niya kahit na may konting kirot akong naramdaman sa puso ko. "Hindi rin naman bago sa akin ang ganitong set up so don't worry, ayos lang ako. Segi na ibababa ko na, may gagawin pa kasi ako. "- "Wait Laur---"- pagkatapos ko siyang babaan ng telepono ay napabuntong hininga na lang ako. Hirap na hirap na ako sa sitwasyong mayroon kami. Alam ko at nararamdaman ko ang pagmamahal niya pero bakit hanggang ngayon nakikihati pa rin ako sa oras at atensyon niya. Feeling ko hindi pa rin ako karapat dapat na maging first priority niya. Napahaplos ako sa singsing na suot ko. Ramdam ko ang kuryenti at init na hatid nito sa akin. Pag nawawalan ako ng pag asa ito ang lagi kong ginagawa. Para vang may nagsasabi na ayos lang ang lahat at makakaya namin ito. Ang singsing na punong puno ng pangako at pangarap. Hindi kita susukuan Echoe, maghihintay pa rin ako sa pagdating ng panahon na ako naman kasa kasama mo... Kahit masakit, dahil mahal kita.All Rights Reserved