Realine Cruz, a.k.a. Katok, isang simpleng kolehiyalang estudyante sa University of the Philippines Diliman Campus, ay naghahanap ng p'wedeng maging trabaho upang may ipantustos sa kaniyang sarili. Bagamat ulilang lubos ay hindi siya nawalan ng kumpiyansang makakapagtapos ng pag-aaral. Matalino, pero hindi biniyayaan ng katangkaran at kagandahan. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nakilala niya ang easy-go-lucky na si Regolas Ashlemente, isang gwapong playboy na muntik nang magahasa ng mga bakla. At dahil walang thrill sa kaniyang buhay, napag-isipan ng kaniyang mga magulang na ipakasal na lamang siya kay Realine dahil siya rin naman ang nagligtas sa kaniya sa muntikang panghahalay sa kaniya.
"Paano ba 'yan, Honey? Tara! Come to Mommy!" Umakto pa itong parang bukâs ang katawan niya para tanggapin si Regolas, pero hindi lumapit ang lalaki kaya siya ang lumapit. "I'll make sure to you... sa akin ka lang..." nanlalagkit na tiningnan ng dalaga ang kaniyang mapapangasawa, nagkagat-labi at umarteng hahalikan ang binata, "...kakalampag." Tumawa ito nang mala-demonyong Satanas para lalong mabanas ang binata.
"Mommy, pakasal na po kami. Ha-ha-ha," nangungutyang pagtawa ni Realine kay Regolas.
"Sa ayaw at sa gusto mo, ikakasal kayo, Regolas, tutal wala ka namang balak gawin sa buhay mo," sabi ni Gng. Everest Ashlemente.
Napahawak sa sentido ang binata, at mariing hiniling na sana ginahasa na lang siya ng mga bading.
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is also the goddess of the Amazon tribe and claims he is "god", and their last hope to avoid extinction.
DISCLAIMER: THIS IS A FILIPINO LANGUAGE STORY