Russel Sebastian isang widowed na may isang makulit na anak. Namatay ang kanyang asawa na si Filomena sa isang car accident isang taon mula nang ipanganak nito si Feya Alice. Naging matamlay ang buhay ni Russel sa pagkamatay ng kaniyang asawa. Dumating sa punto na napapabayaan na niya ang kanyang sarili. Hanggang sa makilala niya si Shine Alonzo. Ang dalagang sobrang kulit na magbibigay kulay sa malungkot niyang mundo. Magiging malambot pa ba ang puso ni Russel pagdating sa pag-ibig? Paano kung dumating na sa puntong mahalin niya si Shine ngunit matutuklasan niya na ito ang dahilan kung bakit sila naaksidente. Matatanggap at mapapatawad kaya niya ito? O maghihiganti siya sa dalaga dahil sa kasalanang ginawa nito sa kaniya. At si Shine, paano niya haharapin ang katotohanan na siya ang dahilan kung bakit nawalan ng asawa ang lalaking pinakamamahal niya. Date started: Dec. 29, 2019 Date Finish: September 26, 2020