Maraming bata ang nag- aasam na may matirhan silang magandang bahay at masaganang pamumuhay. Pero iilan lang sa atin ang nabibiyayaan noon simula sa pagkabata pa lang. Ako at ang mga kakambal ko ay nangangarap na sana ay mayaman na lang kaming tatlo. Para mabilis naming mabili ang lahat di na kailangan mangutang pa o humingi ng pinakamaliit na presyo sa tindera/ro. Naiinggit ako sa mga taong kayang bilhin ang lahat kasi isang kumpas lang ng kamay nila.. ayan! ayun na nabili na nila ng walang paghihirap na dinadanas man lang di katulad ko...namin na pinaghihirapan talaga ang lahat. Humantong na nga sa sukdulan na kailangan na kaming ibigay sa bahay-ampunan. Di ko maisip kung bakit kami lang dalawa ang pinadala sa bahay ampunan at di siya kasama. Di ba kami mahal ng magulang namin? yan ang Tanong sa aming isipang dalawa. Naging masaya rin kami sa bahay-ampunan dahil marami kaming nakilala. nakasuot na rin kami ng magagandang damit at makukulay pa. Nabibigay na nila ang lahat ng pangangailangan namin. Pero panandalian lang ang lahat lahat. Kinuha na ang kakambal ko na tanging kasama ko na lang sa buhay. Kinuha sya ng bagong pamilya niyang handa siyang tanggapin kung sino man siya. Naiwan akong mag-isa. Wala naman akong magagawa dahil kinuha na siya at iniwan niya na ko. Dumating ang araw na kinupkop ako ng mag-asawang maganda ang pamumuhay. May mga anak na sila pero gusto pa rin nilang kumumkop kaya dali dali akong nakikumpulan sa lahat para lang makaalis sa bahay-ampunan na ito. Sa huli nagtagumpay ako. Ako ang kinumkop nila kaya Masaya na ko pero di ko akalain na paglipas ng panahon ay titibok ang mga puso namin sa iisang lalaki