"I am a cold-hearted woman, at hindi basta makukumbinse ng kahit na sino ang puso ko. But you, you have that kind of charisma that melts the ice in me. I knew from the very moment I saw you. I knew you are a great danger that I cannot resist, a very beautiful danger."
Teaser:
Jaymee Belle is already thirty-two years old. While most of her friends and batchmates are busy getting married left and right. Jaymee is left behind on her own happy world, her career and her so-called life. Masaya naman siya sa ganoong set-up. Tahimik at hindi komplikado. Sa tuwing naririnig siya ng reklamo ng mga kakilala na nag-asawa ng maaga, kung paano nakukunsumi ang mga ito sa napiling pakasalan. Napapangiti na lang si Jaymee, sabay sabi sa sarili, ginusto n'yo 'yan eh.
She has a tough personality, cold and rough heart. Karamihan nga ng nakakakilala sa kanya, umiiwas kapag galit na siya. They said, she's scary as hell. Isang bagay na hindi naman tinatanggi pero nagagawa niyang tawanan lang.
But Jaymee's life change when her path crossed with this man, someone who is seven years younger than her. His name is Jadee, ang pinsan ng ex-fiance niyang si Paulo. Matangkad, singkit, maputi, straight at bagsak ang buhok, naturally red lips, and most of all, cold and savage like her. The moment they met; world war III comes to life. For the first time, she felt intimidated. Everytime those eyes of him stares at her, his gazes give chills to her heart, down to her bones. Sa tuwing naririnig na binabanggit ang kanyang pangalan, hinahabol siya ng kanyang tinig hanggang sa pagtulog. She tried avoiding him, run away from him, hide as much as she can. Pero palagi pa rin silang pinagtatagpo. She always finds herself with him, beside him.
And Jaymee knows by now, her heart is in trouble with this dangerous man. A beautiful danger who seems like she can no longer avoid.
"Hindi pa huli ang lahat para sa atin, Faith. Hindi na natin maibabalik ang mga taong nagdaan pero puwede pa tayong magkasama-sama, di ba? And this time, hindi na tayo magkakahiwalay pa. I love you. Kahit kailan, hindi nagawang pawiin ng galit ang pag-ibig ko sa iyo."
*****
Napakaganda ng plano ni Faith at Patrick para sa kinabukasan nila. Pagkapasa ni Patrick sa board exam para sa mga civil engineers ay magpapakasal na sila. Pero nang araw na lumabas ang resulta ng exam ay bigla na lang nawalang parang bula si Patrick.
Hinanap ni Faith ang binata. Hindi siya sumuko dahil mahal na mahal niya ito. At ganoon na lamang ang sakit na naramdaman niya nang malaman niyang sumama din ito sa ina patungo sa America upang ganap na mailayo sa kanya.
Pagkatapos ng anim na taon ay muling nagtagpo ang landas nina Faith at Patrick. Kapwa may taglay na galit sa isa't isa.
"Naaksidente ako. Kritikal ang kondisyon ko. Faith, sa bawat pagkakataon na magkamalay ako, ikaw ang tinatawag ko. Ikaw ang gusto kong makita. Pero wala ka."
Agad na napuno ng luha ang mga mata niya. "A-ang mama mo," mahinang sabi niya.
"I realized that my mother manipulated us. Nagawa niyang dalhin ako sa America upang doon na rin ipagpatuloy ang pagpapagamot ko. But I didn't recovered fast. Ang sabi ng doktor, napakahina ng will ko para gumaling. And it was because of you. Wala talaga akong balak na mabuhay pa dahil wala ka naman sa tabi ko."
Napahikbi siya. "I love you, Patrick."
Tumigas ang anyo nito. "Really?" sarkastikong wika nito. "Kaya ba nagpakasal ka agad sa iba?"
"Patrick, may mabigat akong dahilan. H-hindi ko gagawin iyon kung hindi dahil-"