Dear Diary, Paano ba ang magmahal nang hindi nahihirapan? Paano ko ba makukuha ang lalaking matagal ko nang inaasam sa tanang buhay ko, lalaking kahit masakit ay ginagawa pa'rin akong paibigin, at ang lalaking nagpapatibok ng puso ko na siya 'ring sumira at sisira pa nito. Mahal na mahal ko siya, hindi ko maipapaliwanag kung bakit, wala akong makitang dahilan. At iisa lang ang nasisiguro ko, siya ang gugustuhin kong makasama... habang buhay. Nagmamahal, Pleiades